Martes, Agosto 11, 2015

Repleksyon sa tulang Ang Guryon

Ang Guryon ay nagsisimbolo sa pangarap nang isang tao, inilalarawan dito ang guryon na maiihalintulad natin sa ating pangarap na kong saan tayo ay makipagdagitan at makipaglaban sa marangal na paraan. Ipinapakita rin dito ang pagmamahal nang isang magulang sa kanyang anak, na kung saan kanya itong pinapayuhan na anumang unos ang dumating mag tagumpay man o hindi sa kanyang  nais na marating huwag mawalan nang pag asa at ito ay matutupad din. Inilalarawan din sa tulang ito ang buhay ng tao na kung saan magulo na paminsanminsan  hindi natin maintindihan subalit ito ay parte na sa karanasan nang isang tao para ika’y tibayin at maging malakas sa pag harap sa buhay. Natutunan ko na sa bawat problema na ating hinaharap ito ay nagpapatibay at nag papalakas loob sa atin na gawin at maging malakas sa pag harap sa laban ng buhay. Sa pag tahak natin tungo sa matagumpay na buhay naway indi natin makalimutan magpasalamat sa ating maahal na panginoon sa pag gabay at pag bigay alam sa araw-araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento